Tuesday, May 20, 2008

thank you!

enough of my heart-tearing love story.. now, I'm going to pay tribute to those people who never really left me.. those who were with me the time that I'm almost losing my sanity.. here they go:

YAM
vitorio chavez.. my yam.. meaning ng yam? (You Are Mine) hehehe.. sya yung ready makipagpuyatan sa kin para lang madivert yung attention ko.. he knows me when I'm faking my smile.. and he knows kung kelan ko kelangan ng makikinig sa kin.. kasama ko sya nung pinatumba namin yung isang accounting graduate.. hahaha.. di ko makakalimutan yung time na yun.. magkakampi kami eh.. sabagay, kahit naman saang bagay kakampi ko sya.. palagi lang syang nandyan para sa kin.. without him? yeah, i will be happy.. but with him? my happiness will have it's meaning..

BLOODZ
james darell alcantara.. my bloodz.. bakit bloodz? gangstah daw kasi kami.. hehehe.. he's been my classmate since grade 1.. hanggang 4th year high school magkasama kami.. (same with yam).. sya yung nagsabi sa kin ng "kapag pinaiyak ka ni rob, sabihin mo lang sa kin, ready ako kalimutan yung 4 years na pinagsamahan namin.. di ko pagpapalit yung 10 years na friendship natin.." hahaha, mayabang pakinggan pero sobrang nakakatouch! sya din ung binubulabog ko ng madaling araw pag umiiyak ako.. though he's really sleepy, pinipilit nya bumangon para lang pakinggan yung pag-iyak ko.. lumalabas pa sya ng house nila kasi walang signal sa room nya.. hehehe.. 4 years na walang communication sa kanya didn't change my life.. but, now that we're together again, happiness has never left me..

CRACKERZ
reggie alfhon ilandag.. my crackerz.. he's been with me since grade 6.. may pagkamayabang pero never ka naman nya iiwanan sa ere.. though hindi nya masyadong alam yung nangyari sa kin ngayon, palagi naman syang nandyan para magbigay ng advice.. he always tell me how important i am and palagi nya sinasabi sa kin how much i worth for him.. kahit di kami palaging nagkikita, hindi naman nawawala yung closeness namin.. my crackerz will always be my crackerz..

NHEY
jaycar este.. nhey ko.. (short for honey).. sabi nila nung 2nd year high school kami (yan yung time na lumipat sya sa school) naging crush na daw nya ko agad.. hehehe.. ngayon ko lang yun nalaman.. ang manhid ko ba? hehehe.. sabi kasi niya, nung time daw na manliligaw sya sa kin, naunahan sya ni gerald.. waaah,, medyo nakakabaliw yung confession nya.. kasi naman tropa talaga kami eh.. nag-aaway pa nga kami dati with this "industrialized-thing" (sana natatandaan nya pa)anyway, la din sya alam sa nangyayari ngayon sa kin, gusto nya kasi pag-usapan namin ng personal.. pero sobrang thankful ako sa kanya kasi sobrang napapasaya nya din ako talaga.. palagi nya pa ko pinagpepray.. and that's the most important thing he had gave me..

MICH
michelle dayday.. my cousin.. kahit di sya masyado nagbibigay ng comment tungkol sa mga nangyayari, sya naman yung kasama ko hanggang madaling araw.. nagkaron kami dati ng gap eh, pero ngayong naayos na daig pa namin magsister.. sobrang close.. minsan nga may mga nakukwento ako sa kanya na hindi alam ng kapatid ko.. ganyan kami kaclose.. being with her, grabe, sobrang nakakawindang.. ang hobby namin? magpuyat gang 2 am para lang magkwentuhan.. may mga times pa nga na pag maaga kami pinapatulog, bumababa pa din kami ng 12 am para lang kumain at magkwentuhan.. sa kanila kasi kami nakatira ngayon.. di kumpleto araw namin pag di kami nakapagtsismisan.. :)

SHE
sherry bell espineli.. my sis.. syempre kung close kami ni mich close din kami ng sis ko.. dalawa na nga lang kami tapos hindi pa kami close diba? ang panget naman nun.. between us, mas matured sya mag-isip.. kahit humawak ng pera, mas magaling sya.. pag kinocompare ako sa kanya, di ako nasasaktan.. unlike yung ibang magkapatid.. ang point ko kasi, magkapatid kami and walang reason para magalit sa kanya.. totoo naman kasi talaga na mas matured sya mag-isip at mas magaling sya maghandle ng situation.. hindi kasi sya padalos-dalos eh.. mag-iisip muna sya bago gumawa ng move,.. hehehe.. dati nga may theory kami ng kadorm namin na si badet.. ang sabi namin si she naman talaga yung panganay kaso nung dapat mabubuo na si she, akala ko magkakarera kami, eh since mataba si she naunahan ko sa pagtakbo kaya ako yung unang nabuo.. hahahaha.. astig diba?. ganda ng theory namin ni badet..

meron pang dalawang tao na hindi ako iniwan.. si jheng at si bhestbud mai.. kaso la ko mahanap na pics nila kaya wala ko malagay dito..

anyways, to these people, THANK YOU GUYS.. thank you for not leaving me.. and thank you for being with me in times of trouble.. di ko man mapakita how much you guys mean to me, sobrang pinahahalagahan ko po talaga kayo...

No comments: