i dont know what's into me.. ang hirap ng buhay.. ang dami ko naiisip.. ang daming problems.. those kind of problems that i'm trying to laugh with pero di ko na makayang tawanan.. nagbago na ba ko?.. nagiging weak na ba talaga ko? siguro.. baka nga tama sila..
dati, kaya kong dalhin lahat.. when i say lahat, i mean lahat.. madali lang tawanan eh.. nakakaya ko ipakita na di ako apektado.. ang galing ko nga.. siguro kung may pinakaplastic na tao sa mundo, ako na yun.. kahit yung mga bagay na ikamamatay ng iba, balewala lang sakin.. walang nakakakita na umiiyak ako.. na nasasaktan ako.. na mahina ako..
ayoko sa lahat eh yung kinakaawaan.. awayin mo na ko, murahin mo na ko, pagtawanan mo na ko, matatanggap ko un, pero ang kaawaan ako? damn!! makakapatay ako ng tao..
pero anong nangyayari ngayon? para akong tanga.. andito sa harap ng monitor habang umiiyak.. sa loob ng computer shop na punong puno ng customer.. ng mga taong di ko kakilala.. hinahayaan ko silang makita na umiiyak ako? nasisiraan na talaga ako ng ulo.. di naman ako dating ganito.. isang salita lang nasasaktan na.. kaya kong lumaban.. kaso bakit ganito? di pa nga masakit masyado ung mga narinig ko umiiyak na ko? ang drama ko masyado.. kung makikita ako ng mga kaibigan ko na ganito, malamang mabatukan nila ako.. di kasi ganito ung pagkakakilala nila sakin.. di ako iayakin..
nagbabago na ba talaga ako? kung oo, sana mamatay na lang ako.. ayoko ng ganito.. ayokong magbago.. gusto ko ung dating ako..
No comments:
Post a Comment