Thursday, November 17, 2011

Usapang Last Day

wala naman akong ginawa masyado. nung hapon umattend ako ng medical fellowship. i give thanks for what the Lord has done for me and bid my farewell as well. ang sinabi ko bakasyon lang naman ang reason kaya ako aalis, a part of it was true kasi tourist visa lang naman ang meron ako, i didn't tell them that i am going to look for a job here in dubai. pero kahit ganun yung sinabi ko di pa din maiwasan na hindi umiyak. feeling ko kasi matatagal talaga akong mawawala and mamimiss ko ang medical family. masyado akong naging dependent sa presence nila sa buhay ko. maybe because i longed so much for a family and they were the one who filled that longing. kaya ang hirap magpaalam.

after the fellowship uuwi na ko dapat, nung pumasok ako sa Multi room nandun si Tim (anak ni nanay carol so basically dapat kapatid ko sya.) sabi niya sakin "ano ba yan, aalis ka na lang at lahat di ka man lang nagpaSB."(starbucks) sabi ko wala akong budget kasi nga aalis ako. when i went out biglang nagyaya si Leslie mag SB, treat daw niya. eh naisip ko bigla si Tim so pumasok ako sa Admin room and nagyaya ako sabi ko treat ko sa mga gustong sumama. hehe. people in there were kuya kim, kuya arnel, tim, firmo and marci. lahat sasama except for marci. maybe naisip nya na hindi sya welcome kasi hindi kami in good terms during that time. pumasok si marci ng multi room and i went after him. silang dalawa ni kuya aladen ang nandun.

me: kuya aladen sama ka?
kuya aladen: san?
me: SB. treat ko.
kuya aladen: sige.
me: marci, ikaw sama ka?
marci: pwede ba?
me: oo naman. :)

while walking, si kuya arnel, kuya kim at firmo yung mga kausap ko.. pagdating namin sa SB, last kami pumasok ni firmo, hindi ko alam kung sinadya nila pero the only vacant seat for me eh yung sa tabi ni marci. hindi din naman kami nag usap actually. tatlong beses ko nga lang narinig na ako ung kinausap nya. first nung tinanong ko sya kung anong pastries ang gusto nya at sumagot sya ng "ikaw na lang yung bahalang mag-order para sakin" honestly, hindi ko alam kung sinusubukan nya lang ba kung until now eh alam ko pa din yung mga favorite nya or itatry ko orderin yung mga dating inoorder nya pag magkasama kami. second nung picture taking na and they decided to take some photos of me and marci ang sabi nya na pabulong "ngiti ka naman". and third nung nag-uwian na kami ang sabi nya "salamat thess."

sabi ni leslie nung naglalakad daw sila, nagtanong si marci kung aalis daw ba talaga ako, she said yes and marci again asked her, "bakit ang bilis?" leslie didn't know how to answer that so she decided not to. baka daw kasi masabi niya "bakit di mo tanungin ang sarili mo kung bakit aalis si thess?"

anyways, here are some of the pictures taken during that time.. these are just the sneak preview.. all photos are uploaded on the Last Day page. :)








No comments: