dahil hindi pa ko masyadong nakakamove-on sa 2011, tara samahan nyo ko, balik-tanaw tayo. :)
`sa pinakaunang araw ng taong ito, kina marci ako nagcelebrate ng new year. pero wala kaming picture. i mean nandun sa tito nya, hindi ko nakuha hehe.
`sa taong ito din, first time ko makaattend ng prayer and fasting sa COG Jabez. grabe yung feeling! (at habang ginagawa ko tog entry na to, eh prayer and fasting na ulit ng COG for 2012, syempre i'm going to participate ulit kahit wala ko dun hihi.)
`sa taong ito, first time ko din ma invite sa Worker's General Assembly. hindi kasi lahat nabibigyan ng chance na makapunta dun.
`sa taong ito, sinabi niya na mahal nya daw ako, naging kami din, saka first kiss. at sa taong ito din kami naghiwalay. sad no? :( muntik na din mawala samin yung pinakamamahal namin na ministry. buti na lang the Lord has been so good and gave us enough wisdom to determine what's right and wrong, then enough courage to stand on what we believe in. for that, i Praise GOD!
`sa taong ito, mas naging active ako sa medical ministry. ang dami daming medical missions at sobrang blessed na blessed ako every time nakakasama ako. ang wish ko na lang, ngayong 2012, sa WEYJ mission naman ako makasama. hehe
.
`sa taong ito, ang dami dami ding Medical bonding.. one of the best blessing of the Lord is the fellowship with your co-servant.
`sa taong ito, sumali din ako sa Multimedia Ministry. si james ang leader ko, at team Shalom ang group namin. I witness how the love of the Lord manifests to young people, and i was blessed at the same time. naranasan ko yung schedule na 5am service lalo na nung umpisa kasi gusto kong magpractice at gusto ko maperfect yung ginagawa ko hehe. and the Lord sustains me. :)
`Kung madaming bonding/fellowship ang Medical, madami ding fellowship ang team Shalom. hehe. papahuli ba naman kami? syempre hindi! daming iyakan moments. may pagkakatampuhan minsan pero sa huli, kami kami pa din talaga ang magkakapatid. :)
`sa taong ito, mas naging close ko si ate nori, firmo, leslie, james, migs, jessa at tj. sila halos yung palagi kong kasama at nakakaalam ng mga kwneto kwento ng buhay ko. hehe.
`sa taong ito, mas naging close din kami ni steph at jeck. nakakatuwa kasi pinagkakatiwalaan nila ako ng mga secrets nila.
.
`sa taong ito, mas napamahal sakin sina nanay sharon. grabe naman kasi yung love ng family nila sakin. si tatay, si nhizey, si blessy, si dotti at lalong lalo na ang bunso namin, si jonel. parang in an instance nagkaron ako ng isang buong pamilya! I cannot express my gratitude to the Lord dahil sa family nila.
`sa taong ito, nagkaron pa ko ng isa pang nanay. si nanay carol. isa pa tong si nanay. kala mo totoong anak ako kung ituring. sobrang lambing! nakakalungkot sabihin to pero yung hinahanap ko sa mama ko, kay nanay ko nakita. ang sarap sarap pa magluto ni nanay carol!
`sa taong ito, mas naramdaman ko yung pagiging malayo namin ng mommy ko. i know i disappoint her so much. naaawa na nga ako sa kanya eh, for having me as her child. feeling ko kawawa sya masyado kasi akong naging anak nya. :(
`sa taong ito, nagkabati na kami ng daddy ko. hurray!!! ang tagal din namin hindi nag-usap eh..
`sa taong ito, 2nd time ko makapunta ng baguio with hazel and mimi. yung 1st time ko kasi oras lang tinagal ko sa baguio eh, pero this time nag stay kami ng 3 days kina baby jean. saya!! plan namin, vigan naman next time. hanap ulit kami free accommodation. hehe :)
`sa taong ito first time ko magtampo ng sobra kay firmo. at sana nga lahat ng lalaki katulad niya. marunong tumanggap ng pagkakamali at marunong magsorry. sobrang natouched ako nung hindi siya tumigil sa paghingi ng sorry. syempre hindi ko din naman balak patagalin yung away namin, but im so glad kung pano niya tinanggap ang pagkakamali niya. at higit sa lahat may napatunayan ako: pag galit ka, naiinis, at humihingi ka ng sorry, napapa-english ka ng hindi oras! haha.
`sa taong ito, mas minahal ko ang tumblr, blogspot at twitter. hehe. at lahat sila hindi connected sa facebook account ko so i must say, there's a little privacy over them kaya mas mahal ko sila. masyado na kasing naging stalker-friendly ang facebook. wala ng challenged sa mga stalker haha. saka masyado na syang nakakasakit, kahit ayaw mong makita wala kang choice kasi nandun lang sya sa gilid diba, lahat ng activities makikita mo. at hindi ko alam kung nananadya ang fb pero pag bukas ko lagi na lang pinakauna yung status nya kung meron man. haaay.
`sa taong ito, nahanap ko ulit ang blogs ni ma'am abie na ilang taon ko hinanap.. pati yung fb account nya na hindi ko naman ma-add kasi nakaprivate, kahit message hindi ko din magawa.
`sa taong ito, naging tatay ko si tatay bong, at mas naging close ako sa mga taga audio or sounds and light ministry..
`sa taong ito, mas naging close ko pa si ate kres. nagkaron din kami ng accountability chat and prayer partner na kami.. i learned so much from her. feeling ko nga mentor ko na din sya..
`sa taong ito, minahal ko si Josh Duhamel ng bongga. as in! ilang beses ko na pinanood ang movies nya, dinownload para may sarili akong copy. haay love him much. :)
`sa taong ito din ako unang nakasakay ng airplane. kasama ko si malkolito. pumunta kami ng dubai. (actually habang ginagawa ko tong blogs na to eh nasa dubai pa din kami.)
`sa taong ito, syempre nakagala ako sa dubai. haha :)
`sa kahuli-hulihang araw ng taong ito, may nagsabi sakin na selfish ako.