Sunday, January 22, 2012

KAYA PA?

yan yung tweet ni firmo kanina. napaisip ako. kaya pa ba? para kasing hindi na.

ang weird ng mga naiisip ko nitong mga nakaraang araw. gusto kong maging isda (fish) sa aquarium. gusto kong maging butterfly. gusto kong maging bata ulit. pero higit sa lahat, gusto kong hindi na lang ako pinanganak.

gusto kong maging isda sa aquarium. (kelangan talaga sa aquarium hehe). nasa makati ako last thursday nung nakakita ako ng gold fish sa aquarium. nung nakita ko sya, isa lang ang pumasok sa isip ko: buti pa sya, nandun lang, may protection na nanggagaling sa aquarium, at inaalagaan ng mga tao sa paligid nya. hindi nya kelangang matakot sa marahas na labanan sa mundo. nandun lang sya, payapang naglalangoy habang inaaliw ang mga nakatingin sa kanya. buti pa sya.

gusto kong maging paru-paro. kahit 7 days lang ang tinatagal ng buhay ng isang paru-paro, gusto ko pa din na maging sila na lang. after 7 days kasi, sigurado na sila na pupunta sila sa langit. dun magiging masaya na sila. hindi na nila kelangan matakot ng matagal sa mga bata na balak silang hulihin at paglaruan.. masyadong maikli yung time na mararamdaman nila yung sakit (na hindi rin naman lahat sila eh nakakaranas, kasi kung mapalad sila, yung buong seven days na life span nila ay pwedeng puro magagandang bagay lang ang mangyari sa kanila). gusto kong maging sila kasi kahit masaktan man ako, at least alam ko na konting araw lang ang lilipas at hindi ko na yun mararamdaman ng permante.

gusto kong maging bata ulit. yung pagkakataon na ang pinakamalaking problema ko lang sa mundo eh kung pano ko isisintas yung sapatos ko. yung wala akong pakialam kung anong itsura ko at hindi ko tinitingnan ang itsura ng mga kaibigan ko. yung ang mahalaga lang sakin eh maglaro. yung pag nasugatan ako, iiyak ako ng sobrang lakas tapos to the rescue na ang supermom ko. yung panahon na ang kaaway ko ay ang kapatid ko kasi ayaw niyang magshare ng laruan pero ilang minuto lang eh makakaisip na ko ng paraan para maagaw yun sa kanya kaya sya naman ang iiyak. yung panahon na pag natulog ako sa gabi, pag gising ko kinabukasan, ang poproblemahin ko lang eh kung anong laro ang lalaruin naming magkakaibigan. that time when love was mom's hug and the highest place on earth was dad's shoulder.gusto kong balikan yan. at kung maaari lang, ayoko ng umalis sa panahon na yan.

bakit ko naman gugustuhin na hindi na lang ipanganak? simple lang. gusto ko diretso na ko sa langit pagkacreate sakin. kasi dun, puro masasayang bagay lang. eh anu naman ngayon kung iniisip nyo na duwag ako? actually hindi ako duwag (pero kung ipipilit nyo yan, hindi ko kayo pipigilan). napapagod na lang kasi akong masaktan. nakakapagod yung araw-araw iiyak ka. matatapos ang isang problema, may dadating na bago. nakakapagod makipaglaban. nakakapagod umiyak lalo na kung balde balde na yung nawala sayo. at aminin nyo, nakakapagod sayo (bilang kaibigan) na pakinggan ang paulit ulit na sentimyento ng kaibigan mo. paulit ulit lang naman kasi, walang bago. minsan, hindi ka lang makapagreklamo kasi nilibre ka nya dati nung gutom na gutom ka at alam mong malaki ang utang na loob mo sa kanya kaya nakikinig ka.

ngayong oras na to, ang sagot ko sa tanong sa taas eh HINDI NA. nagpapakatotoo lang naman ako. may kanya kanya tayong opinyon, kaya kung ibang opinyon mo eh di gumawa ka din ng entry mo. maaaring magmukha akong talunan kasi inamin kong hindi ko na kaya, pero mas okay na yun, kesa magpakaplastic ako at harapin ang lahat ng tao sa paligid ko ng isang makapagod-pangang ngiti habang tumutugtog sa background ang joy to the world song. minsan kelangan ko din aminin sa sarili ko na oo talunan nga ako. talunan ako sa pagkakataong ito. ako ang umuwing luhaan at sirang sira ang sarili. yung kahit sangkatutak na mighty bond pa ang irekomenda sakin para buuing parang bago ulit ang sarili ko eh tatanggihan ko na. gusto ko munang manatili sa pagiging talunan ko. dito muna ako. habang hindi ko pa kaya. lulunurin ko ang sarili ko sa sakit. ipaparamdam ko sa sarili ko na pagod na pagod na ako. iiyak ako ng sobrang lakas at wala akong pakialam sa paligid ko. hindi ko ipapakita na malakas ako. dito lang ako. dito muna ako. habang hindi ko pa kaya.

No comments: