Monday, May 26, 2014

You. Fvcking. Need. To. Move. On.

Naranasan ko na din naman magpakatanga sa love eh. Yung tipong lahat talaga ibibigay mo para mapasaya lang sya kahit alam mong nababalewala ka lang niya. Kahit kalimutan mo na yung sarili mong kaligayahan. Uunahin mo sya kasi pag masaya sya, nagiging masaya ka na din. 


Pero dadating ka din sa time na magsasawa ka. Hindi dahil kulang ang pagmamahal mo sa kanya kundi marerealize mo na hindi ka deserved sa mga ginagawa niya sayo. 


One of the best way to know your worth is to realize that you are worthy to be loved. Pag kasi nalaman mo na karapat dapat kang mahalin, dun mo makikita kung panong pagtrato ba ang dapat na binibigay sayo ng taong mahal mo.


Pero pano pag alam mo na yung worth mo pero sya, hindi pa din niya alam kung anong halaga mo? Simple lang. Let go of the things or people that hurt you. Masakit, oo. Pero hindi ba mas masakit pag nandun ka na sa point na ikaw mismo eh hindi mo na kayang mahalin ang sarili mo dahil nawalan ka na din ng tiwala sa sarili mong halaga?


You. Need. To. Fvcking. Move. On.


Because at some point in time, there'll be that someone who will love you completely. Despite your flaws and mistakes, he'll be right there beside you. Tiwala lang. Dadating din yan. Wag mong sayangin ang ganda mo sa isang taong hindi nakikita kung anong meron ka. Prove him wrong. Prove him that you are a princess and deserved to be treated like one. 

No comments: