Saturday, January 28, 2012

it's been awhile.

ang dami kong iniwasan so far. at isa na dun yung pag-oonline. may it be on face book, or blogger or any social network site. why? one reason. NAKAKASAKIT NA KASI SILA.

in some way or another, it isn't their fault that i was feeling that way. kaya nga ako na lang ang umiwas eh. been trying to avoid such things para naman kahit papano eh mabawasan yung pag-iyak ko sa gabi. i also allow myself to focus on some things para mawalan ako ng time sa pag-iisip ng mga ganyang bagay.

nakakainis lang kasi kahit naman wala silang ginagawa eh nasasaktan ka pa din. haaay. praning no? adik lang. for quite some time, nagtatanong din ako why i have to be so emotional? bakit kasi hindi na lang ako yung tao na balewala ang lahat ng nasa paligid ko? yung tipong, the hell i care with what you do as long as it doesn't involve me. kaso hindi nga ganun eh. i've been hurt and still hurting for the same old reason. him. and her. kinda nakakasawa, parang naka-hang lang kasi ako, not knowing what to do.. but in fact i know what i should do, and that is to accept that they are happy and that happiness doesn't include me.

well, that's life. life happens and it happens to be unfair. accept and move on. that's what someone told me. but it's hard. they should know that too.

Sunday, January 22, 2012

KAYA PA?

yan yung tweet ni firmo kanina. napaisip ako. kaya pa ba? para kasing hindi na.

ang weird ng mga naiisip ko nitong mga nakaraang araw. gusto kong maging isda (fish) sa aquarium. gusto kong maging butterfly. gusto kong maging bata ulit. pero higit sa lahat, gusto kong hindi na lang ako pinanganak.

gusto kong maging isda sa aquarium. (kelangan talaga sa aquarium hehe). nasa makati ako last thursday nung nakakita ako ng gold fish sa aquarium. nung nakita ko sya, isa lang ang pumasok sa isip ko: buti pa sya, nandun lang, may protection na nanggagaling sa aquarium, at inaalagaan ng mga tao sa paligid nya. hindi nya kelangang matakot sa marahas na labanan sa mundo. nandun lang sya, payapang naglalangoy habang inaaliw ang mga nakatingin sa kanya. buti pa sya.

gusto kong maging paru-paro. kahit 7 days lang ang tinatagal ng buhay ng isang paru-paro, gusto ko pa din na maging sila na lang. after 7 days kasi, sigurado na sila na pupunta sila sa langit. dun magiging masaya na sila. hindi na nila kelangan matakot ng matagal sa mga bata na balak silang hulihin at paglaruan.. masyadong maikli yung time na mararamdaman nila yung sakit (na hindi rin naman lahat sila eh nakakaranas, kasi kung mapalad sila, yung buong seven days na life span nila ay pwedeng puro magagandang bagay lang ang mangyari sa kanila). gusto kong maging sila kasi kahit masaktan man ako, at least alam ko na konting araw lang ang lilipas at hindi ko na yun mararamdaman ng permante.

gusto kong maging bata ulit. yung pagkakataon na ang pinakamalaking problema ko lang sa mundo eh kung pano ko isisintas yung sapatos ko. yung wala akong pakialam kung anong itsura ko at hindi ko tinitingnan ang itsura ng mga kaibigan ko. yung ang mahalaga lang sakin eh maglaro. yung pag nasugatan ako, iiyak ako ng sobrang lakas tapos to the rescue na ang supermom ko. yung panahon na ang kaaway ko ay ang kapatid ko kasi ayaw niyang magshare ng laruan pero ilang minuto lang eh makakaisip na ko ng paraan para maagaw yun sa kanya kaya sya naman ang iiyak. yung panahon na pag natulog ako sa gabi, pag gising ko kinabukasan, ang poproblemahin ko lang eh kung anong laro ang lalaruin naming magkakaibigan. that time when love was mom's hug and the highest place on earth was dad's shoulder.gusto kong balikan yan. at kung maaari lang, ayoko ng umalis sa panahon na yan.

bakit ko naman gugustuhin na hindi na lang ipanganak? simple lang. gusto ko diretso na ko sa langit pagkacreate sakin. kasi dun, puro masasayang bagay lang. eh anu naman ngayon kung iniisip nyo na duwag ako? actually hindi ako duwag (pero kung ipipilit nyo yan, hindi ko kayo pipigilan). napapagod na lang kasi akong masaktan. nakakapagod yung araw-araw iiyak ka. matatapos ang isang problema, may dadating na bago. nakakapagod makipaglaban. nakakapagod umiyak lalo na kung balde balde na yung nawala sayo. at aminin nyo, nakakapagod sayo (bilang kaibigan) na pakinggan ang paulit ulit na sentimyento ng kaibigan mo. paulit ulit lang naman kasi, walang bago. minsan, hindi ka lang makapagreklamo kasi nilibre ka nya dati nung gutom na gutom ka at alam mong malaki ang utang na loob mo sa kanya kaya nakikinig ka.

ngayong oras na to, ang sagot ko sa tanong sa taas eh HINDI NA. nagpapakatotoo lang naman ako. may kanya kanya tayong opinyon, kaya kung ibang opinyon mo eh di gumawa ka din ng entry mo. maaaring magmukha akong talunan kasi inamin kong hindi ko na kaya, pero mas okay na yun, kesa magpakaplastic ako at harapin ang lahat ng tao sa paligid ko ng isang makapagod-pangang ngiti habang tumutugtog sa background ang joy to the world song. minsan kelangan ko din aminin sa sarili ko na oo talunan nga ako. talunan ako sa pagkakataong ito. ako ang umuwing luhaan at sirang sira ang sarili. yung kahit sangkatutak na mighty bond pa ang irekomenda sakin para buuing parang bago ulit ang sarili ko eh tatanggihan ko na. gusto ko munang manatili sa pagiging talunan ko. dito muna ako. habang hindi ko pa kaya. lulunurin ko ang sarili ko sa sakit. ipaparamdam ko sa sarili ko na pagod na pagod na ako. iiyak ako ng sobrang lakas at wala akong pakialam sa paligid ko. hindi ko ipapakita na malakas ako. dito lang ako. dito muna ako. habang hindi ko pa kaya.

Tuesday, January 17, 2012

not-so-cool experience

And so I attended the 14th Worker's General Assembly of our church. The whole night was actually fun. A lot of my friends were surprised by my arrival. Even siguro si Marci hindi ineexpect na dadating ako. Lumapit pa sya sakin tas sabi niya welcome home daw. He even extended his hands and offer me a handshake which is a little awkward for me pero tinanggap ko naman para di ako magmukhang bastos. Then Jessa took a photo of us, (the one below). The said photo was uploaded in Jessa's facebook account. di ko na sana papansin eh, but if you could read the comment below, you can't blame me for feeling this way. YES, I AM MAD! you see, my name was mentioned 3 times in the comment box by my friends. TAKE NOTE: they are my friends. hindi ko alam kung anong gusto nilang palabasin, pero iba kasing dating sakin eh. napahiya ako. to think that facebook is a social network where everything is visible to everybody! yung pakiramdam na ako yung naghahabol kay marci? sige, ipagpalagay na natin na alam ng lahat ng kaibigan ko na mahal ko siya, pero diba when you're friends, you should protect each other and not hurt each other? naiiyak ako sa nangyaring to.


Monday, January 9, 2012

today, i realized i made a lot of mistakes. A LOT! feeling ko ang sama sama ko. ang sakit pala no? yung matagal mong tinatanggi sa sarili mo, one day aaminin mo din. aaminin mo din that everything wasn't right not because of anybody else but because of yourself. that you let a long time pass trying to ignore everything but eventually yun din yung mismong lalapit sayo to let you know how stupid were you and how stupid are still you. ngayon ko nga naisip, how i wsih i have the same power as that of the vampires, (well yung sa the vampire diaries yung tinutukoy ko) that they can shut off the pain, or their humanity. sana may ganun din ako. so that after tonight's experience, tomorrow i can smile again. that i can face another day guilt-free. pero wala ako nun eh. and what i do know is that everything will going to change when i get home. i don't know what it is but i know something's gonna change. and i wasn't sure if i am ready for this. :(

Sunday, January 8, 2012

After The Fast

This is simply how I celebrate the breaking of fast. It's a feast!! c'mon dig in! :)

Monday, January 2, 2012

Balik-Tanaw 2011

dahil hindi pa ko masyadong nakakamove-on sa 2011, tara samahan nyo ko, balik-tanaw tayo. :)

`sa pinakaunang araw ng taong ito, kina marci ako nagcelebrate ng new year. pero wala kaming picture. i mean nandun sa tito nya, hindi ko nakuha hehe.

`sa taong ito din, first time ko makaattend ng prayer and fasting sa COG Jabez. grabe yung feeling! (at habang ginagawa ko tog entry na to, eh prayer and fasting na ulit ng COG for 2012, syempre i'm going to participate ulit kahit wala ko dun hihi.)

`sa taong ito, first time ko din ma invite sa Worker's General Assembly. hindi kasi lahat nabibigyan ng chance na makapunta dun.

`sa taong ito, sinabi niya na mahal nya daw ako, naging kami din, saka first kiss. at sa taong ito din kami naghiwalay. sad no? :( muntik na din mawala samin yung pinakamamahal namin na ministry. buti na lang the Lord has been so good and gave us enough wisdom to determine what's right and wrong, then enough courage to stand on what we believe in. for that, i Praise GOD!

`sa taong ito, mas naging active ako sa medical ministry. ang dami daming medical missions at sobrang blessed na blessed ako every time nakakasama ako. ang wish ko na lang, ngayong 2012, sa WEYJ mission naman ako makasama. hehe
.

`sa taong ito, ang dami dami ding Medical bonding.. one of the best blessing of the Lord is the fellowship with your co-servant.

`sa taong ito, sumali din ako sa Multimedia Ministry. si james ang leader ko, at team Shalom ang group namin. I witness how the love of the Lord manifests to young people, and i was blessed at the same time. naranasan ko yung schedule na 5am service lalo na nung umpisa kasi gusto kong magpractice at gusto ko maperfect yung ginagawa ko hehe. and the Lord sustains me. :)

`Kung madaming bonding/fellowship ang Medical, madami ding fellowship ang team Shalom. hehe. papahuli ba naman kami? syempre hindi! daming iyakan moments. may pagkakatampuhan minsan pero sa huli, kami kami pa din talaga ang magkakapatid. :)

`sa taong ito, mas naging close ko si ate nori, firmo, leslie, james, migs, jessa at tj. sila halos yung palagi kong kasama at nakakaalam ng mga kwneto kwento ng buhay ko. hehe.

`sa taong ito, mas naging close din kami ni steph at jeck. nakakatuwa kasi pinagkakatiwalaan nila ako ng mga secrets nila.
.

`sa taong ito, mas napamahal sakin sina nanay sharon. grabe naman kasi yung love ng family nila sakin. si tatay, si nhizey, si blessy, si dotti at lalong lalo na ang bunso namin, si jonel. parang in an instance nagkaron ako ng isang buong pamilya! I cannot express my gratitude to the Lord dahil sa family nila.

`sa taong ito, nagkaron pa ko ng isa pang nanay. si nanay carol. isa pa tong si nanay. kala mo totoong anak ako kung ituring. sobrang lambing! nakakalungkot sabihin to pero yung hinahanap ko sa mama ko, kay nanay ko nakita. ang sarap sarap pa magluto ni nanay carol!

`sa taong ito, mas naramdaman ko yung pagiging malayo namin ng mommy ko. i know i disappoint her so much. naaawa na nga ako sa kanya eh, for having me as her child. feeling ko kawawa sya masyado kasi akong naging anak nya. :(

`sa taong ito, nagkabati na kami ng daddy ko. hurray!!! ang tagal din namin hindi nag-usap eh..

`sa taong ito, 2nd time ko makapunta ng baguio with hazel and mimi. yung 1st time ko kasi oras lang tinagal ko sa baguio eh, pero this time nag stay kami ng 3 days kina baby jean. saya!! plan namin, vigan naman next time. hanap ulit kami free accommodation. hehe :)

`sa taong ito first time ko magtampo ng sobra kay firmo. at sana nga lahat ng lalaki katulad niya. marunong tumanggap ng pagkakamali at marunong magsorry. sobrang natouched ako nung hindi siya tumigil sa paghingi ng sorry. syempre hindi ko din naman balak patagalin yung away namin, but im so glad kung pano niya tinanggap ang pagkakamali niya. at higit sa lahat may napatunayan ako: pag galit ka, naiinis, at humihingi ka ng sorry, napapa-english ka ng hindi oras! haha.

`sa taong ito, mas minahal ko ang tumblr, blogspot at twitter. hehe. at lahat sila hindi connected sa facebook account ko so i must say, there's a little privacy over them kaya mas mahal ko sila. masyado na kasing naging stalker-friendly ang facebook. wala ng challenged sa mga stalker haha. saka masyado na syang nakakasakit, kahit ayaw mong makita wala kang choice kasi nandun lang sya sa gilid diba, lahat ng activities makikita mo. at hindi ko alam kung nananadya ang fb pero pag bukas ko lagi na lang pinakauna yung status nya kung meron man. haaay.

`sa taong ito, nahanap ko ulit ang blogs ni ma'am abie na ilang taon ko hinanap.. pati yung fb account nya na hindi ko naman ma-add kasi nakaprivate, kahit message hindi ko din magawa.

`sa taong ito, naging tatay ko si tatay bong, at mas naging close ako sa mga taga audio or sounds and light ministry..

`sa taong ito, mas naging close ko pa si ate kres. nagkaron din kami ng accountability chat and prayer partner na kami.. i learned so much from her. feeling ko nga mentor ko na din sya..

`sa taong ito, minahal ko si Josh Duhamel ng bongga. as in! ilang beses ko na pinanood ang movies nya, dinownload para may sarili akong copy. haay love him much. :)

`sa taong ito din ako unang nakasakay ng airplane. kasama ko si malkolito. pumunta kami ng dubai. (actually habang ginagawa ko tong blogs na to eh nasa dubai pa din kami.)

`sa taong ito, syempre nakagala ako sa dubai. haha :)

`sa kahuli-hulihang araw ng taong ito, may nagsabi sakin na selfish ako.
today, i cry again. for the same exact reason. my case is hopeless. sabi nila love conquers all. then why do that word causes me so much pain? :(

Sunday, January 1, 2012

1st day of 2012

i walked. for 30 minutes i just walked. not sure of where to go to. until i reached the open beach in Abu Dhabi. i stayed there looking at the beauty of the moon and the stars in the sky, feeling the breeze on my skin, listening to the sweet and calming sound of the sea.

talking to no one, I suddenly feel the urge of singing a song for Jesus Christ. i just want to praise Him during that time. i know i am not a good singer but for that moment I don't care. i sing and sing and sing of praises for Him.

i talked. He listened. I cried. the pain is trying to destroy me, i know that for sure, but He comforted me. He listened to every word I have to say. the pain is just too much i know i can no longer bear it, He carry my load. I cry and sing for quite some time.

15 minutes before 2012, two Arabian Family seat beside me. they both have a lovely child. one was girl (Maram) and the other was boy (Omar). we didn't talk at first. the baby boy just keeps on crying and crying while the baby girl (who's older) just play around. at 12, there were fireworks. the baby boy again cried so the mother was left with no choice but carry her child. they were just beside me. the boy looks at me and guess what? he smiled. every time i would look at the boy, he smiles and stares at me.

his mommy: this little naughty boy smiled at you. i think he likes you and the reason why he's crying awhile ago is because he can't see you clearly. see? he stops crying.
me: and i think you have a very lovely little boy.

another hour past without me noticing the time. the boy and i just play and laugh. the family talks to me too. they know some tagalog words like: magandang gabi. maganda ka. ano ang mobile number mo? and san ka nakatira. haha. so loveee talking to them.i really wanted to stay but i badly need to go because the house was far from the beach and it will take me another 30 minutes of walk to be able to go home..

me: i think i need to say bye for now.
his mom: oh, for sure he will miss you. thank you for your time thess. we're glad to meet you.
me: me too. your boy made my day. i was so sad awhile ago but when he smiles at me, all the pain was gone.
his mom: oh. he must have felt it and wanted to see you smile too. and thank you for your smile, yours is the sweetest smile i've ever seen, no kidding.
me: thank you. you have a wonderful family.
them: happy new year thess and merry Christmas. (they've greeted me merry Christmas though they are muslims hehe)
omar: (laughs then gave me a high five)

and i must say, that was the most spectacular new year celebration for me, ever!! a long time for my God and His gift. His unexpected gift of smile from a little boy. Oh how I love Jesus Christ. He never fails me. :) This is a good year for me, an overcomer I will be, because God remains in me. :)