Wednesday, June 25, 2008

words of wisdom from ma'am abie..

napulot ko lang to.. post din kasi ni ma'am abie to sa blogsite nya.. it's cute.. actually it touches a part of my heart.. read it guys.. sana may matutunan kayo, same ng natutunan ko.. :)

Ganun pala talaga, dati-rati nagtataka ako kung bakit ni minsan hindi naisip ng nanay ko na hiwalayan ang tatay ko kahit na hindi siya perfect husband, mahirap pala talaga maging misis. Na-appreciate ko na ang nanay ko at naunawaan kung bakit nagtagal sila ng tatay ko hanggang ngayon.

Totoo rin pala na kahit anong ganda pa ng sapatos mo, pag napagod ka, hahanap-hanapin mo pa rin ang comfort na naibibigay sa 'yo ng tsinelas.

Uuwi at uuwi ka pa rin sa asawa mo pagkatapos mong maglagalag. Hahanapin mo ang luma mong tsinelas, kasi kumportable ka na sa kanya. Alam na niya ang baho mo, lahat ng mga sikreto mo. At lahat 'yun tanggap niya. Dahil mahal ka niya, mahal na mahal.

No comments: